^

Metro

Ace Vergel, patay na!

- Cesar Cezar -

Sumakabilang buhay na sa  edad na 55-anyos ang original bad boy  ng Philip­pine  showbiz  na  si  Ace  Vergel  dahil  sa  atake sa puso sa Chinese General  Hospital.

Dakong  alas-3:18 ng madaling-araw ka­hapon nang malagutan ng hininga si  Vergel ma­tapos isugod sa naturang ospital kama­kalawa  ng  gabi.

Nabatid  na  bago  namatay  ang  aktor  ay nakausap pa nito  ang  kan­yang  nag-iisang  kapatid  na  si Beverly.

Si Vergel ay sumikat noong dekada 80 sa mga action movie na kanyang pinag­bida­han kabilang na ang “Pieta”.

Nasangkot din ito sa kaso ng mga ipi­nag­­ba­bawal  na gamot  nang  mahinto  sa  pag­gawa  ng  pelikula. Ang  kanyang  titulo bilang  bad boy  ay  ipinasa  niya  sa aktor  na  si  Robin  Padilla.

Base sa police records, ang aktor ay ini­­ugnay sa isang kasong rape  noong taong 2000 at pansamantalang ipinailalim sa control ng pulisya. Subalit hindi nagtagal ay pinalaya rin matapos mapag-alaman na ang demanda laban sa kanya ay pina­walang-saysay.

Lumitaw rin sa kanyang police record na siya ay nasangkot rin sa kaso na pag­gamit ng bawal na droga na sa proseso ng nasabing usapin, sa bandang huli siya ay pinawalansala. Si Ace ay produkto ng isang pamilya ng mga artista, at ipina­nganak noong Enero 22, 1952. Anak siya ng kapwa yumaong sina actress Alicia Vergel at actor Cesar Ramirez.

Nagsimulang umarte sa pinilakang tabing si Ace sa edad na pitong taong gulang. Nagam­panan na niya ang isang mahalagang papel sa pelikulang ”Anak ng Bulkan,” noong 1959 bilang kaibigan ng isang higanteng ibon, ka­sama ni yumaong action king actor Fernando Poe, Jr.

ALICIA VERGEL

ANAK

CESAR RAMIREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with