^

Metro

Welga pumalpak!

- Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

Palpak ang isinaga­wang tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsu­per at Operators Na­ tion­wide (PISTON) ka­hapon ma­tapos na ba­hagya lamang naka­apekto ito sa takbo ng transportasyon sa Metro Manila, ayon sa pagtataya ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO Director Geary Barias na normal ang naging pag­bu­bukas ng araw sa lahat ng kalsada sa Kamay­nilaan at walang na­monitor na parali­sado dahil sa pagpa­sada pa rin ng nakara­raming mga jeepney drivers na hindi nakiisa  sa welga ng PISTON.

Inilarga ng Piston ang kanilang tigil-pa­sada bilang protesta sa walang humpay na pag­taas ng langis na labis nang naka­ka­apekto sa ka­nilang paghahanap­buhay.

Inilarga ng grupo ang kanilang mga pag­kilos sa Bonifacio Mo­nument sa Caloocan City, Mabuhay Roton­da at Cubao sa Que­zon City; at J.P. Rizal sa Makati City.  Baga­mat sumama sa mga ito ang mga militan­teng grupong Bagong Al­yan­sang Ma­ka­bayan, Kilusang Mayo Uno at Anakpawis party­list bigo pa rin sila na para­lisahin ang pagbi­biyahe ng publiko.

Nag-umpisa naman na bahagyang lumiit ang bilang ng mga bumibi­yaheng jeep nang pu­matak ang ka­tanghalian nang tumigil na sa pa­sada ang ilan sa mga driver parti­kular na sa mga lugar ng Malabon, Navotas, Gua­dalupe-Pateros, Cubao-Cogeo, Rizal Ave­nue sa Maynila, Quezon Avenue at Kamias sa Quezon City.

Tinataya namang nasa 15 hanggang 20 porsyento lamang ng mga jeepney drivers ang hindi pumasada ka­hapon.

Nabatid na lubusan namang nadismaya si George San Mateo, secretary general ng Piston nang hindi lahu­kan ng ilang militan­ teng grupo ng transpor­tasyon ang ikinasa nilang transport strike kahapon para ipag­laban ang karapatan ng mga jeepney drivers kaugnay sa serye ng pagtaas ng produktong petrolyo.

Magugunita na ang party list na 1-Utak, Fe­de­ration of Jeepney Ope­rators and Drivers Asso­ciation of the Ph­ilippines (FEJODAP), Alliance of Transport Operators and Drivers Organization of the Philippines (AL­TODA), Alliance of Con­cerned Transport Orga­niza­tions (ACTO), Pang­kalaha­tang Sangguni­ang Ma­nila and Su­burbs Dri­ver’s Associa­tion Na­tionwide Inc. (Pa­sang Masda), Ma­kati Jeep­ney Drivers Opera­tors and Drivers Associa­tion (MJODA) ay una ng nag­pahayag na hindi sila sasama sa welga dahil hindi umano sila sang-ayon sa gusto ng PIS­TON na ibasura ang Oil De­regulation Law.

Inilagay naman sa full alert status  ang NCRPO kung saan nagpakalat ng hang­gang 3,000 pulis sa mga kalsada upang ma­tiyak na magiging mati­wasay ang mga demons­trasyon.  Nag­lagay din ng mga video camera ang pulisya upang maidoku­mento ang mga kilos-pro­testa.

Nagpalabas rin ng walong police buses at iba pang sasakyan ang NCRPO upang magbi­gay ng libreng sakay sa mga pasahero na maii-stran­ded sa kalsada katuwang ng mga bus at truck na inilabas naman ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA).

Samantala, nag­dulot  nang pagsisikip ng daloy ng trapiko ang ilang pangunahing lansangan  sa area ng lungsod ng Caloocan.

Sa isang situational report, ilang grupo ng welgista ang nagsa­gawa ng kanilang programa sa tapat ng Gotesco Grand Central, ilalim ng Light Trail Transit (LRT), kaha­baan ng Rizal Avenue, lungsod ng Caloocan.

Dahilan upang ma­ging sanhi ito ng pagsi­sikip ng daloy ng trapiko kung saan nakaharang sila mismo sa gitna ng kal­sada, kung kaya’t usad pagong ang mga mo­torista.

Mas naramdaman naman ang naturang welga  sa ilang lugar sa mga sa Southern Minda­nao na sinasabing 75 porsiyentong naparalisa ang biyahe dito.

ALLIANCE OF CON

BAGONG AL

BONIFACIO MO

CALOOCAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with