4 karnaper arestado
Nasakote ng mga awtoridad ang apat na karnaper kabilang ang isang dating tauhan ng Traffic Management Group sa magkakahiwalay na operasyon sa
Unang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Anti-Carnapping Unit (QCPD-ACU) ang mga suspek na nakilalang sina Samuel Paypa, 39 at Frisco delos Reyes, 29 kapwa taga-Tala, Caloocan City.
Una nang nakatanggap ng flash-alarmed ang QCPD-ACU nang tangayin ng mga armadong suspek ang isang pulang Toyota Vios (ZEZ-235) na pag-aari ng isang Joaquin Miguel Belgica ng 3 Parokya Road, Bagbag Novaliches, Quezon City habang nakaparada ito sa tapat ng North Doctor’s Hospital sa Tala, Caloocan City noong Disyembre 6, 2007.
Lulan sa nasabing kotse ang 6-anyos na lalaking anak ni Belgica na ibinaba ng mga suspek sa gate ng Amparo Subdivision sa Barangay 179 Tala,
Natiyempuhan naman ng nagpapatrolyang isang mobile patrol car ng QCPD ang nakaw na sasakyan hanggang sa magkaroon ng habulan. Inabutan ito sa kanto ng
Sa interogasyon, inamin nina Paypa at Delos Reyes na may dalawa pa silang kasabwat na siyang magpo-proseso ng pagsakay sa barko sa
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang QCPD-ACU at sa tulong ni Paypan at Delos Reyes, nadakip ang isa pang suspek na si Benjamin Verzosa, 55 at Edgardo Habana, 39 at dating police officer na naka-assigned sa TMG at residente ng 251 Market Ave., San Miguel Pasig. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending