Pastor itinumba
Pinatay sa saksak ang isang 51-anyos na pastor ng hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay natutulog sa loob ng kanyang kuwarto kahapon ng madaling araw sa
Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital si Lemuel Umali, may asawa, ng #508 West Reparo, West Bagong Barrio ng nabanggit na lunsod bunga ng malalalim na saksak sa katawan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng malawakang manhunt operation ang pulisya laban sa salarin.
Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima na si Ruby, 43, mahimbing silang natutulog nang pumasok ang hindi nakilalang salarin na nakasuot ng itim na bonnet at inatake ng saksak ang pastor. (Lorderth Bonilla)
- Latest
- Trending