Isa na namang insidente ng pagtagas ng langis ang iniulat kahapon sa Muntinlupa City kung saan ay nag-reklamo kahapon ng pagkahilo at pananakit ng tiyan ang mga residente ng isang exclusive subdivision ng lungsod na labis na naapektuhan ng nakakasulasok na amoy na dala ng nasabing oil spill.
Kahapon ay nadiskubre ng grupo nina Tom Landrito, hepe ng Lake Management Office ng Muntinlupa City ang isang panibagong kaso ng oil spill sa drainage ng Villa Carolina 1 Subdivision sa Brgy. Tunasan ng nabanggit na lungsod kasabay ng pag-alingasaw ng masansang na amoy nito.
Dala na rin umano ng nasabing amoy bunga ng oil spill ay nagreklamo ang ilang ng mga residente partikular na ang mga bata ng pagkahilo at pananakit ng tiyan. (Rose Tamayo-Tesoro)