^

Metro

Holdaper dedo sa hinoldap na pulis

-

Napatay ang isang  kilabot na holdaper makaraang mag­kamaling holdapin ang isang pulis at makipagpalitan ng putok dito, kamakalawa ng gabi  sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang sus­pek na si George Pingol, 30,  resi­dente ng San Vicente St., San Francisco del Monte sa na­sabing lunsod.

Samantala, ginagamot naman sa Quezon City Gene­ral Hospital (QCGH) ang bik­timang si PO1 Felicito Men­doza nakatalaga sa QCPD Station 4 dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang hita.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Mindanao Extension sa kanto ng Lucaria St.  Brgy. Talipapa ng nabang­git na lungsod.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang harangin ng sus­pek na nakasakay sa motor­siklo saka tinutukan ng baril ang biktima.

Nabatid na nagdeklara ng holdap ang suspek matapos tutukan ng baril ang pulis su­balit agad nabunot ng huli ang kanyang service firearm at pina­putukan sa iba’t ibang parte ng katawan ang una. Nabatid na nakapagpaputok din ng baril ang suspect na ikinasugat ng biktimang parak. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

FELICITO MEN

GEORGE PINGOL

LUCARIA ST

NABATID

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with