Driver kinatay ng nakaalit ng utol
Mistulang ginawang manok ang isang 23-anyos na pedicab driver matapos na butasin at pagsasaksakin ang leeg nito hanggang sa mapatay ng nakaaway ng kanyang nakababatang kapatid sa Binondo, Maynila
Nakilala ang nasawi na si Randy Grajo, alias “Abok”, ng Gate 4 Area 14 Parola compound, Binondo,
Sa report ng pulisya, dakong 10:40 ng gabi ng maganap ang krimen sa isang makipot na eskinita sa Gate 64, Area H, Parola compound, Binondo, Manila. Nauna dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at si Chavez hanggang sa umuwi sa kanilang bahay ang huli. Lingid sa kaalaman ng biktima ay bumalik pala si Chavez na armado ng kutsilyo at nilapitan ang una at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito sa leeg na noon ay nakaupo sa isang upuang kahoy. Nagsilbing look-out naman si Jumao-as.
Nabatid na magkakapitbahay ang biktima at mga suspek at dating maganda ang kanilang samahan subalit nag-ugat ang awayan ng makabangga ng kapatid ng biktima na si Mario Grajo si Chavez. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending