^

Metro

OIC Chief ng Makati Police, 23 tauhan sinibak ni Razon!

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

Sinibak na kahapon ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Gen. Avelino Razon Jr. ang officer-in-charge chief ng Makati City Police kabilang ang may 23 tauhan nito ma­tapos na umano’y mabigo ang mga ito na gampanan ang ka­nilang tungkulin at mai-secure ang Makati City Hall of Justice kung saan isinasa­gawa ang pagdinig sa kaso ng Magdalo Group at magpa­baya sa gina­wang pag-walk-out ng mga huli hanggang sa makarating sa Manila Penin­sula Hotel.

Bukod sa pagkakasibak ay nahaharap din sa kasong ad­mi­­nistratibo ang mga pulis-Makati.

Nabatid na iniutos kaha­pon ni Gen. Razon ang pag­sibak kina Sr. Supt. Angel Sumulong, Makati Police OIC chief at mga tauhan nito kung saan sinabi pa ng naturang opisyal na naiwasan sana ang Manila Pen standoff kung naging responsable lamang sa kani-kanilang tungkulin ang mga kawani ng Makati Police.

“I ordered them removed from their posts because of their inaction when the walkout and marches were taking place. That inaction will be part of the investigation,” pahayag ni Razon sa panayam sa kanya.  

Nilinaw pa ni Razon na ang Makati Police ang siyang unang dapat na nakapigil sa ginawang pag-martsa ng gru­po nina Sen. Antonio Trillanes at kung naroroon umano ang pulis ay hindi na nakatuloy ang mga ito sa Manila Pen. 

Bukod kay Sumulong ka­sama sa mga nasibak sina Insp. Geraldo Diño; SPO3 Carlos Mendibei; P03 Edwin Buenaventura, ng City Hall Detachment; Sr. Insp. Reycon Garduque; PO2 Rommel Sal­cedo at PO1 Globel Belar­mino ng Police Community Precinct 8; SPO1 Noel Infante; PO1 Wilfredo Alvarez at PO2 Raul Del Rosario ng Mobile Patrol Unit; Sr. Insp. McVernon Ma­nera, PO2 Reyne Baluyan at  PO1 Bryan Hernandez ng  Intelligence Division; SPO1 Enrique Fernandez at  PO2 Jomerick Turiano, ng Explo­sive Ordnance Disposal Unit; Traffic Division Personnel na kinabi­ bilangan nina Sr. Insp. Gilberto Loteria, Insp Oscar Alicando; SPO4 Antonio Buc­tuan; SPO1 Mano Deveza; SPO4 Ro­nando Pilande; SPO2 Rogelio Valdenor; SPO1 Melchor Calooy; SPO3 Nestor Frias at PO3 Luisito Ordoñez.

Si Sr. Supt. Jaime Calung­sod Jr., deputy chief ng Southern Police District Office (SPDO) ang siyang naatasan na mamuno sa isasagawang imbestigasyon. 

Iginiit naman ni Sumulong na hindi nagpabaya sa tungkulin ang Makati Police. Hindi umano totoo na walang pulis-Makati na nasa area nang maganap ang insidente kung saan tinangka pa umano nilang pigilan ang grupo ni Trillanes subalit hindi sila nagtagumpay dahil na rin sa pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga ito.   

Nangangamba umano ang mga pulis na mauwi sa kara­hasan ang pagpigil nila sa mga Magdalo soldiers na siya nilang iniwasan.

Tinawagan rin agad uma­no ni Sumulong si Calungsod na nagpayo naman na imo­nitor na lamang ang sitwasyon habang tatawag ito ng re­inforce­ment.  

Iginiit pa ni Sumulong na ang AFP ang siyang dapat na nag-kontrol sa mga rebeldeng sundalo ng Magdalo.

MAKATI POLICE

SHY

SR. INSP

SUMULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with