Pulis-SPD binoga ng ex-Army
Sugatan ang isang pulis-SPD makaraang pagbabarilin ito ng isang ex-Army makaraang bastusin umano ng una ang dalawang dalagang boarder ng huli, kamakalawa ng gabi sa
Tinamaan ng bala sa kaliwang hita si PO1 Michael Alvarez, 27, binata, nakatalaga sa District Mobile Force ng Southern Police District (SPD) at residente ng Blk 33 Lot 9 Phase 2 Pinagsama Village, Western Bicutan. Nadakip naman ang suspect na si dating Army T/Sgt. Edmund Perillo, 48, ng Blk 23 Lot 23 Phase 2 sa naturang village.
Ayon kay Chief Insp. Celso Rodriguez, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig City Police, nabastos umano ni Alvarez at isa pa niyang kasama ang dalawang dalagang boarder ng dating sundalo.
Naglalakad umano si Laila Abaya, 21, kasama ang isa pang dalagang hindi nabanggit ang pangalan nang mapadaan sila sa grupo ni Alvarez na
Sinundan umano ng pulis at isa pang kasama sina Abaya at pilit na hinihingi ang numero ng kanilang cellphone subalit hindi ibinigay ng dalawa.
Nakita umano ni Perillo ang pangyayari kaya’t lumabas ito ng bahay at inusisa kung bakit hinaharang ang dalawa niyang boarder hanggang magtalo.
Pumasok umano ng bahay ang pulis at kinuha ang kanyang service firearm at pinaputukan ang sundalo at dalawang dalaga na mabilis na nagtatakbo papasok sa bahay ni Perillo. Tumama ang mga bala sa gate ng bahay hanggang sa makita na lamang na du guan at may tama ng bala sa kaliwang hita ang pulis.
Nagsampa rin ng kasong malicious mischief at grave threat ang dalawang dalaga na nakaranas ng pambabastos at pagbabanta laban kay Alvarez, habang si Perillo ay sinampahan ng kasong frustrated homicide. (Rose Tesoro)
- Latest
- Trending