^

Metro

Top NPA leader timbog sa QC!

- Joy Cantos -

Isinasailalim na ngayon sa masusing imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng konek­syon ng nasakoteng mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa inilunsad na pag-aaklas ng grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Manila Peninsula sa Makati City.

Kahapon lamang iniharap nina PNP Directorate for Admi­nistration, P/Deputy Director Gen. Jesus Versoza at Army Chief Lt. Gen. Alexander Yano ang nahuling si Elizabeth Prin­cipe, 56, gumagamit ng mga alyas na Ka Bea Te Chua, Celia Pineda Santos, Vilma, Amor­sola, Elsie, Imay, Saleng, Veronica, atbp.

Si Principe ay regular uma­nong miyembro ng Central Com­mittee at Secretary ng Cagayan Valley Regional Com­mittee (CVRC) ng Com­munist Party of the Philip­pines-NPA na may patong sa ulong P5 milyon.

Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad na may 200 uma­nong rebeldeng NPA na mag­pa­pang­gap munang raliyista ang nag­babalak magtungo sa Manila Penin­sula para supor­tahan ang inilunsad na pag-aaklas nina Trillanes at dating Army First Scout Ranger Re­giment Brig. Gen. Danilo Lim.

Ang Magdalo na kinabi­bilangan ni Trillanes ay ma­tagal nang pinalulutang ng militar na may koneksyon sa mga rebel­deng NPA sa bansa.

Ayon kay Yano, si Principe ay nasakote nitong hapon ng Nobyembre 28, 2007 ng pinag­sanib na elemento ng Army’s Intelligence and Secu­rity Group (ISG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP sa bisinidad ng Ali Mall sa ka­ha­baan ng P. Tuazon St., Cubao, Quezon City.

Si Principe na nasakote sa bisa ng anim na warrant of arrest na inisyu ng korte sa Region 2 ay nahaharap sa kasong rebel­yon, kidnapping at double murder sa Ilagan, Isabela; rob­bery with murder sa Bambang, Nueva Vizcaya; robbery with murder sa Bayombong, Nueva Vizcaya; robbery with murder at robbery with arson sa Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya.

Principe’s long involve­ment with the local communist movement started  when she joined student activism in the University of the Philippines during the period dubbed as “First Quarter Storm of 1979”, ani Yano.

Nabatid na si Principe ay ka­bilang sa mga unang Cadres ng Regional Medical Staff ng CPPs First Regional Party Committee na itinatag ng komunistang grupo sa Northern Luzon.

Naging asawa niya si For­tunato Camus alyas Ka Roman, isang prominenteng NPA com­mander sa Northern Luzon. Matapos mamatay si Ka Norman sa engkuwentro sa mga sundalo sa Baler, Que­zon noong 1975 ay nag­pa­kasal ito kay Leo Velasco alyas Ka Ben/Vic, miyembro ng Central Committee at pi­nuno ng CPPs National  Mili­tary Commission.

“The arrest of Principe is a big blow to the communist terrorists that will further derail their terrorist plans,” sabi pa ni Yano.

Patuloy namang isinasa­ilalim sa interogasyon ng Army si Principe.

ALEXANDER YANO

NORTHERN LUZON

NUEVA VIZCAYA

PLACE

SHY

SI PRINCIPE

YANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with