Sanhi ng hindi makayanang sakit sa rayuma, isang 60-anyos na lolo ang nagbigti kahapon ng umaga sa Caloocan.
Kinilala ng pulisya ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa Nodados General Hospital na si Andres Badomes, ng Phase 9, Package 2, Block 4, Lot 38, Barangay 176, Bagong Silang nabanggit na lungsod.
Sa pahayag ng anak nitong si Carmelita, dakong alas-7:10 ng umaga nang makita niya ang kanyang ama na nakabigti at may nakapulupot na nylon cord sa leeg habang ang kabilang dulo nito ay nasakabit sa grills ng steel window sa loob ng kanilang bahay.
Agad na tinawag ni Carmelita ang kanyang asawang si Ronilo at mabilis na kinalas sa pagkakabigti ang biktima bago mabilis na dinala sa nasabing ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Napag-alaman na labis na dinaramdam ng biktima ang sakit nito sa kanyang tuhod kapag naglalakad, dahil may rayuma ito.
Kung saan bago nagpakamatay ang naturang lolo ay nagbilin pa ito na kung siya’y mamatay ay gusto niyang i-cremate ang kanyang katawan. (Lordeth Bonilla)