^

Metro

1,000 pang parak ikakalat sa crime prone areas

-

Dahilan sa inaasahang pagtaas ng kriminalidad ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, 1,000 pang pulis ang idedeploy ng Philippine National Police (PNP) sa pitong lugar na natukoy na crime prone areas at mga komersyal na distrito sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr., ang hakbang ay upang mabigyang protek­syon ang mga shoppers na inaasahang daragsa para mamili ng kanilang mga panregalo.

Sa tala ng PNP, kara­niwan ng tumataas ang insidente ng mga krimina­lidad tulad ng robbery/holdup, snatching, pandu­rukot, bag slashing atbp. sa tuwing papasok ang pana­hon ng pagsalubong sa kapaskuhan.

Binigyang diin ni Razon na nais niyang umiral ang “Mamang Pulis” o isang tapat na pulis na malalapi­tan ng mga tao sa oras ng pangangailangan laban sa mga mapagsamantalang kriminal na nambibiktima sa lansangan. 

Tinukoy naman ni Razon na kabilang sa mga crime prone areas ang ka­habaan ng Quezon Ave. sa Quezon City; Bagong Si­lang sa Caloocan City atbp.

Sa mga flea market naman kung saan nagsa­samantala rin ang mga kri­minal ay ang Baclaran sa Parañaque City, Quia­po at Divisoria sa lungsod ng Maynila; Common­wealth Ave. at Cubao sa Quezon City. (Joy Cantos)

AVELINO RAZON JR.

BAGONG SI

CHIEF DIRECTOR GEN

JOY CANTOS

MAMANG PULIS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with