Hinatulan kahapon ng 17 taong pagkakabilanggo ng korte ang isang babaeng tulak ng iligal na droga matapos na mahulihan ito ng shabu at marijuana na kanyang ibinenta, isang taon na ang nakalilipas sa Pasig City.
Sa 5-pahinang desisyon ni Judge Abraham Borreta ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 154, bukod sa pagkakabilanggo ay pinagbabayad din nito ng halagang P400,000 ang akusadong si Zenaida Buyog, bilang multa.
Naaresto si Buyog noong Agosto 4, 2006 sa kanyang tahanan sa Tulip st., Royal Village Brgy. Pinagbuhatan, nasabing lungsod sa bisa ng search warrant. Sa raid ay nakuhanan siya ng ilang pakete ng shabu at mga pinatuyong dahon ng marijuana.
Sinabi naman ng Judge na kumbinsido siya na guilty ang akusado dahil sa hindi nito pagprisinta ng ebidensya sa korte bilang depensa niya, gayundin ang hindi nito pagdalo sa mga court proceeding ng kanyang kaso. (Edwin Balasa)