Nagkakabit ng ‘jumper’ nalitson

Nalitson ang buong katawan ng isang lalaki na umano’y ma­dalas magnakaw ng kuryente makaraang madikit ito sa poste ng Meralco habang nagkakabit ng “jumper”, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Namatay noon din si Nelson Nuevo, residente ng Tramo Uno, San Dionisio, nabanggit na lungsod.

Batay sa pahayag ng mga residente sa naturang lugar, pasado alas-7 ng umaga nang umakyat ang biktima sa service post ng Meralco na nag-uugnay sa mga bahay sa Tramo Uno St.

Hawak umano ng biktima ang isang mahabang electrical wire para ikabit ang jumper sa linya ng kuryente sa isang bahay nang biglang mapakapit ito sa isang malaking live wire.

Sa hindi inaasahang pagka­kataon, isa palang high voltage wire ang nakapitan nito at big­lang pumutok ang kable dahilan upang magliyab at masunog ang buong katawan ng biktima.

Dahil sa lakas ng boltahe, umuusok pa ang natustang katawan na bumagsak ang biktima sa paanan ng poste.

Nabatid na dahil na rin sa na­sabing insidente ay nadiskubre ng Meralco personnel na pa­wang mga illegal o jumper umano ang ginagamit ng kara­ mi­han sa mga residente ng Tramo Uno sa Parañaque. (Rose Tesoro)

Show comments