3 tiklo sa paninikwat ng kable

Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong kalalakihan makaraang masakote ng pulisya na nagnanakaw ng kable ng telepono sa  Raymundo Avenue, Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mark Joseph, 20; Edgardo Orolfo, 18, kapwa residente ng #41 G. Corazon de Jesus, San Juan City at isang 16-anyos na binatilyo. Ayon kay PO2 Lardy Ignacio, nakumpiska sa mga suspek ang may 15 metrong haba ng kable ng telepono, lagaring bakal at patalim na ginamit sa pagnanakaw. (Edwin Balasa)

Show comments