Transport strike minaliit

Minaliit ng Allianced of Concerned Transport Orga­nization (ACTO) ang trans­port strike ng mga miyem­bro ng Pinagkaisang Sa­ma­han ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Maynila.

Ayon sa pangulo ng ACTO na si Efren de Luna, hindi pa napapanahon ang kilos-protesta dahil nasa proseso pa ng pag-uusap ng Malacañang at DOTC, MMDA at Metro Manila Mayors sa hanay ng trans­port groups ang kanilang demands tulad ng proble­ma nila sa kotong at colo­rum vehicles.

Nagbigay naman si Pa­ngu­long Gloria Arroyo ng ka­tiyakan na sa Disyembre 15 ay resolba na ang mga prob­lema ng transport groups.

Pormal namang nagsisi­mula ang operasyon ng Anti-Kotong-Anti Colorum Task Force na binuo ng Ma­lacañang para  resolba­hin ang naturang demands ng transport groups.

Napag-alamang nakiki­pag-usap na ang kinauuku­lan sa kanilang hanay hing­gil naman sa usapin ng prob­lema sa patuloy na pag­taas ng presyo ng gasolina.

Sinabi ni de Luna na dapat ay hintayin muna ang magiging resulta ng pa­ngako at kung hindi nila magugus­tuhan ang resulta ay dito pa lamang sila dapat na mag­plano para sa pag-arang­kada ng transport holiday.

“Kung walang mangyari sa December 15 sa pa­ngako ng Pangulo ay saka naman kami gagawa ng aksiyon kaugnay sa tigil pasada,” pahayag ni de Luna. (Angie dela Cruz)

Show comments