Prostitusyon sa Viva Manila protektado raw
Pinaniniwalaang protektado ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pasay City maging ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame at Anti-Human Trafficking Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lumalalang prostitusyon sa Viva Manila sa kahabaan ng Roxas blvd., Pasay City.
Ayon sa source, lumilitaw na ginagawang tambayan ng mga awtoridad ang Viva Manila kaya naging inutil ang CIDG, NBI at mga opisyal ng Pasay City particular na ang PNP City Hall Detachment na tumatayong task force ng Office of the Mayor na mapatigil ang operasyon ng prostitusyon nito.
Tinukoy ng source, na walang bold show sa Viva Manila bagkus puwersahang pinaba-barfine ang mga kababaihan sa mga Koreano at Hapones na kliyente nito.
Naging paborito ng mga dayuhan at ilang opisyal ang PNP, CIDG at NBI ang Viva Manila dahil sa kakaibang gimmick nito sa operasyon ng prostitusyon. (Mhar Basco)
- Latest
- Trending