Condo sa Pasay tinaniman ng ‘bomba’
Muntik magka-stampede ang mga umuupa sa isang condominium sa
Binalot ng sindak at matinding tensiyon ang mga tenants at nag-unahang magpanakbuhan ng matagpuan ng isang janitor sa ikatlong palapag ng
Sa panayam kay PO3 Joel Landicho, ng Criminal Investigation Division (CID)-Pasay City Police, ang dalawang magkadikit na bote ay may mga koneksiyon ng electrical wirings, ballast, neon lights at nakabalot sa fiberglass na magsisilbing shrapnel sakaling sumabog ito.
Kaugnay nito, labis na natakot ang naturang janitor sa inakalang bomba kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa security officer ng nasabing condo na si Cesar Alcantara, 54.
Agad namang nakaabot sa kaalaman ng mga tenants ang pagkakatuklas sa sinasabing bomba kung kaya’t naalarma ang mga ito na naging sanhi upang magkagulo sa loob ng gusali at nag-unahan sa paglabas sa gusali.
Nabatid pa na si Alcantara ay sinasabing dating sundalo at may kaalaman hinggil sa mga pampasabog kaya pinakialaman nito ang dalawang bote na nakapatong sa malaking fiberglass. At mula sa ikatlong palapag ng gusali ay ibinaba nito sa ground floor ang sinasabing bomba bago itinawag sa mga tauhan ng Special Weapons & Tactics-Explosive Ordnance Division (SWAT-EOD) ng Pasay City Police.
Kaagad namang dumating ang Bomb Squad sa pangunguna ni Sr. Insp. Lerpon Platon, hepe ng SWAT-EOD at lumitaw sa kanilang pagsusuri na wala pang kakayanang sumabog ang naturang inakalang bomba.
Dahil dito, tiniyak ni Platon na ang tanging pakay o motibo ng suspect na naglagay nito ay maghasik ng takot sa mga tenants ng condominium.
Gayunman, pinasabog naman sa ligtas na lugar ng mga tauhan ng EOD ang natuklasang botelya upang makatiyak na hindi ito makasakit, makapaminsala o makapag-kitil ng buhay ng tao.
Lumalabas din sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad na may namamagitang alitan sa pagitan ng developer at mga residente kaugnay sa pagpapalakad ng administrasyon ng nasabing condominium.
Sa kasalukuyan ay inaalam na rin ng pulisya kung sino ang responsable sa paglalagay ng nasabing “bomba” para papanagutin ito at ipagharap ng kaukulang kaso.
- Latest
- Trending