13-anyos nalunod sa pagsagip sa kapatid

Pinaniniwalaang na­sawi na sa pagkalunod ang isang 13-anyos na bi­ natilyo makaraang tanga­yin ito ng malakas na agos ng ilog ma­tapos na iligtas ang kan­yang nakakaba­tang kapa­tid mula sa pag­kalu­nod kamakalawa sa Pasig City.

Hanggang sa kasalu­ku­yan ay patuloy ang gina­gawang search and re­trieval operation ng Pasig rescue team sa pagkaka­hanap sa bangkay ng biktimang si Ryan Nayre, 13, residente ng Jobson st. Floodway Brgy. Rosario ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong alas-4 ng hapon ka­makalawa habang nag­lalaro ang biktima kasama ang kanyang nakababa­tang kapatid na si Ron­quillo, 8, at ilang kaibigan sa gilid ng ilog sakop ng barangay Manggahan.

Nabatid na nadulas si Ronquillo at nagtuluy-tuloy sa ilog  at kahit hindi ma­runong lumangoy ay   hindi nag-aksaya ng panahon ang biktima at mabilis na tumalon ng ilog na tinata­yang may lalim na 15 ta­lampakan at sinagip ang nahulog na kapatid.

Nagawa namang ma­iligtas ng biktima ang kan­­yang kapatid subalit ng ina­ahon na niya ito sa gilid ng ilog ay biglang lumakas ang agos at tinangay ito pa­tungo sa parting gitnang ba­hagi ng ilog.   (Edwin Balasa)

Show comments