^

Metro

Bading hinoldap, sinaksak ng textmate

-

Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 26-anyos na bakla makaraang pagsasaksakin umano ng kanyang ka-texmate ng makipag eyeball ito, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ang biktima na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Rizal Medical Center dahil sa tinamong maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Dexter del Rosario, alyas Lyka, tauhan ng peryahan at residente ng Kabisig St. Brgy. Ibayong Silangan, Naic Cavite.

Samantala, kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na umano’y textmate ng biktima na mabilis na tumakas matapos na makuha ang cellphone at pera nito. Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw ng ma­tag­pu­ang duguan ang biktima sa isang madilim na bahagi ng Caruncho Avenue, Brgy. Malinao ng lungsod na ito.

Nauna rito, sinabi ng biktima sa kanyang kasamahang peryante na aalis muna ito sandali at makikipagkita sa kanyang textmate. Subalit lumipas na ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang biktima kaya pinasya na ng kanyang kaibigan na hanapin ito at laking gulat niya ng matagpuan itong naliligo sa dugo sa madilim na bahagi ng  lugar hindi kalayuan sa pinagtatrabahuhang perya.

Teorya ng pulisya na posibleng hinoldap ng kanyang text­mate ang biktima subalit nanlaban ito kaya pinagsasaksak ito ng suspek. Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang puilsya para sa ikalulutas ng kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AGAW

BIKTIMA

BRGY

CARUNCHO AVENUE

EDWIN BALASA

IBAYONG SILANGAN

KABISIG ST. BRGY

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with