^

Metro

Taas-pasahe ipipilit

- Ni Malou Escudero -

Dahil sa patuloy na pag­taas ng presyo ng gasolina, nakaamba na naman umano ang  panibagong pagtaas ng pasahe ngayong Disyembre sa kabila ng pangako ng pamunuan ng Federation of Jeepney Operators of the Philippines (FEJODAP).

Sinabi ni FEJODAP Chair­man Zeny Maranan sa pagdinig sa Senado, wala silang magagawa sa ngayon pero kung magkakasundo sila ng Pilipinas Shell, ma­pipigilan na ang patuloy na pagtaas ng pamasahe.

May kasunduan umano ang FEJODAP at Shell na sa kanila sila aangkat ng kani­lang gasolina kung saan may bawas na P3 bawat litro, pero hindi pa ito napa-finalize.  

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate committee on trade and commerce, sinabi ni Maranan na wala din silang balak na sumama sa tigil-pasada o transport strike na isinusulong naman ng ilang grupo.

Ikinatwiran ni Maranan na kaya wala silang balak na sumama sa tigil-pasada dahil nakabinbin pa sa Land Trans­portation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang ka­ nilang petisyon na magdag­dag ng singil sa pasahe.

Hiniling naman ni committee chairman, Sen. Mar Roxas kay Sec. Angelo Reyes ng Department of Energy­ (DoE) na busisiin ang mga papel ng lahat ng mga gasoline companies para matiyak kung ma­katarungan ba ang patuloy na pagtaas ng presyo ng ga­solina.

Aniya, isa ito sa mga nakikita niyang susi para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng pasahe   na gina­gawa naman ng mga  gasoline companies dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pan­daigdigang merkado.

ANGELO REYES

DEPARTMENT OF ENERGY

FEDERATION OF JEEPNEY OPERATORS OF THE PHILIPPINES

FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANS

MAR ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with