^

Metro

Yanquiling sinibak sa puwesto

-

Sinibak sa puwesto si MPD  Homicide Division chief,  Chief/Insp. Alejandro Yanquiling kaugnay sa insidente ng pagpatay kay Commission on Election (COMELEC) Law Department Head Atty. Alioden Dalaig.

Sa panayam kay Criminal Investigation Detection  Unit (CIDU) chief, Supt. Nelson Yabut, sinibak ni MPD District Director Chief /Supt. Roberto  Rosales  si Yanquiling at si SPO4 Benito Cabatbat dahil sa umano’y reklamo ng ilang kaanak ni Dalaig sa mga ito.

Sinabi ni Yabut na  naghain ng reklamo ang nabanggit na ka­anak ni Dalaig matapos na palitan umano ng mga naturang opisyal ng homicide division ang mga alahas na nare­kober ng mga ito mula sa katawan ni Dalaig.

Pansamantala na­man na papalitan ni Major Dominador Are­ valo Jr., si Yanquiling bilang officer-in-charge ng nasabing dibisyon.

Nabatid na noong November 16, ay nag­tungo umano ang mga nagpakilalang kaanak ni Dalaig sa Homicide upang kunin ang mga relo, singsing, bracelet at pera na na­kuha dito.

Ngunit ng bilangin umano ang pera ay P293,000 na lamang ito mula sa P300,000 ha­laga na narekober mula kay Dalaig, kung saan maging ang mga nasa­bing alahas ay   hindi umano mga tunay na alahas ng naturang opis­yal ng Comelec.

Ikinatuwiran naman ni Yanquiling na kulang na ng P7,000 ang pe­rang ibinigay sa ka­nila ng Ospital ng May­nila kung kaya’t P293,000 na lamang ang naibigay nila sa pamilya ni Dalaig.

Ipinaliwanag na­man ni Yabut na kaila­ngan umanong sibakin muna sa puwesto sina Yan­quiling at Cabatbat ha­bang isinasagawa ang imbestigasyon. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

DALAIG

SHY

YANQUILING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with