125 sako ng pampasabog nasamsam
Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 125 na sako ng kemikal na gamit sa pampasabog at paputok sa
Ayon kay Lt. Sgt. Armand Balilo, PCG spokesperson, ang nabanggit na mga pampasabog at kemikal sa paggawa ng paputok ay nasabat ng kanilang K-9 unit na nakabantay sa Eva Macapagal Terminal noong Sabado .
Ang nakuhang kemikal na sodium bicarbonate ay pag-aari umano ng Pure Chemical Corporation na nakabase sa Navotas City kung saan hindi rin umano ito nakapagbigay ng permit upang maibiyahe ang mga nabanggit na kemikal.
Ang nasabing kemikal ay ginagamit sa paggawa ng mga paputok at bomba kung kaya’t mahigpit na pinagbabawal ng Philippine National Police ang pagbibiyahe nito at kinakailangan na mayroong permit.
Nakalagay umano sa sako ang mga nasabing kemikal at ito ay nakita ng idaan ang bagahe sa scanning machine ng naturang terminal at ibibiyahe patungong
Patuloy naman na iniimbestigahan ng PCG ang nasabing mga kemikal at ito ay kasalukuyang nasa kustodya ng PCG. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending