^

Metro

Mister na pumatay sa misis walang piyansa

-

Hindi pinayagang maka­laya pansamantala sa pa­mamagitan ng piyansa ang suspek sa pamamas­lang sa isang abogada at kliyente nito noong Huwebes sa loob ng isang sala ng Las Piñas Regional Trial Court mata­pos na sampahan ang una ng mga kasong murder at par­ricide sa nabanggit na korte.

Ang suspek na si Roberto Tubale, 53, negosyante, ay agad na sinampahan ng mga nabanggit na kaso matapos na madakip ito dakong alas-11 kamakalawa ng gabi ng mga tauhan ng Las Piñas City Police habang nagta­tago sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Signal Village, Taguig  City.

Magugunita na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa ulo ang biktimang sina Atty. Rebecca Basa, 57, residente ng Nakpil St, Talon Las Pinas City, samantalang  ang kaniyang kliyente at misis ng suspect na si Lolita, 51,  ay namatay din.

Nabatid na idinemanda ni Lolita ang kanyang mister  dahil sa umano’y madalas na pananakit at panggugulpi sa kaniya ng  huli. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CITY POLICE

LAS PI

LOLITA

NAKPIL ST

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

REBECCA BASA

REGIONAL TRIAL COURT

ROBERTO TUBALE

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with