Luxury car may pasaherong bangkay
Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang luxury car na nakaparada sa gilid ng Tomas Morato Avenue sa
Nakilala ang biktima na si Melvin Ochoa Bautista, 36. Nabatid na natagpuan itong may mga saksak sa katawan at leeg habang nakasuot ng stripe na polo shirt at maong na pantalon.
Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), pasado alas-5:00 ng madaling araw nang mapansin ng mga security guard ang bangkay ng biktima sa loob ng isang Mercedes Benz C-280 na may plakang (WTT-490) na nakaparada sa tapat ng isang condominium building sa panulukan ng Tomas Morato at
Ayon sa mga security guard, posibleng ipinarada ang sasakyan sa naturang lugar dakong alas-9 o alas-10 ng gabi kung saan dagsa naman ang mga parokyano ng mga bar sa naturang lugar.
Nabatid sa imbestigasyon na galing umano sa isang bar ang biktima. Sa inisyal na pagsusuri, natagpuan na may mga marka ng kalmot sa damit ng biktima ngunit hindi agad matukoy ng mga pulis kung may naganap na panlalaban sa loob ng kotse. Posible ring pinaslang ang biktima may limang oras na bago ang pagkakadiskubre sa bangkay dahil sa pagiging matigas na nito. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending