Bunsod ng sobrang pagod, isang 26 na taong gulang na lalaki ang namatay makaraang lumahok sa isang marathon sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Fidel Cam son, participants ng 31 National Milo Marathon Finals.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Det Jay Santos, dakong alas-7:10 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng Rajah Sulayman sa Malate, Maynila.
Ang biktima, kasama ang iba pang participants sa National Milo Marathon ay pabalik na umano mula sa 42K na nilalakad nila subalit pagsapit umano sa harapan ng Rajah Sulayman nang himatayin umano ang biktima dahilan upang isugod sa ospital subalit namatay habang ginagamot.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. (Grace dela Cruz)