Resulta ng imbestigasyon sa Glorietta blast ilalabas na
Inaasahang ilalabas na bukas ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng kanilang imbestigasyon kung bomba nga ba o gas explosion ang sanhi ng malagim na Glorietta 2 mall blast sa
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Geary Barias, kapag pinal na naisapubliko ang resulta ng imbestigasyon ang susunod nilang hakbang ay ang alamin kung sino ang pananagutin sa trahedya.
Nauna nang iginiit ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., base sa mga nakuhang ebidensya ay aksidenteng gas leak mula sa methane gas na nahagip ang diesel fuel ang naging mitsa ng pagsabog.
Ang nasabing teorya ay lumakas dahil walang natagpuang component ng bomba sa blast site ang mga imbestigador sa halip ay mga palatandaan ng gas explosion, ang teoryang sinuportahan ng US at Australian experts na tumulong sa imbestigasyon.
Sa ngayon, ayon kay Barias ay wala pa umanong nasampahan ng kaso dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon ng Multi-Agency Investigation Task Force (MAITF) na bagaman nauna nang natukoy ng gas explosion ang mitsa ng trahedya ay hindi pa isinara ang kaso dahil aalamin nila kung anong uri ng gas ang sumambulat.
Kaugnay nito, ipinagtanggol naman ni Barias ang mabagal nilang imbestigasyon dahil ibig lamang nilang matiyak na hindi masasayang ang kanilang pinaghirapan sa oras na maisampa na ang kaso sa korte. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending