^

Metro

Pulis todas sa kapwa parak

-

Pinagbabaril hanggang sa napatay ang isang ka­gawad ng Special Wea­pons and Tactics (SWAT) ng Navotas-PNP ng kan­yang kabaro matapos ang isang mainitang pagtatalo hinggil sa umano’y matagal nang samaan ng loob ka­hapon ng umaga sa na­sabing lungsod.

Namatay sa mismong lugar ng pinang­yarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala ng 9mm pistol sa ka­tawan ang biktimang si PO2 Nelson Glorianni habang mabilis namang tumakas ang suspek na si PO2 Roy Eguin.

Sa ulat ni PO2 Randel Adora, may hawak ng kaso, naganap ang insi­dente da­kong alas-9:38 ng umaga sa loob ng Na­ vo­tas Fish Port Complex (NFPC), ma­lapit sa exit gate na mata­tagpuan sa kahabaan ng North Bay Boulevard North (NBBN) ng naturang lungsod.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar at pauwi na nang madaanan ito ng suspek na nakasakay sa motorsiklo. Hinin­tuan ng suspek ang biktima at saka kinom­pronta sa matagal nilang alitan.

Sa kainitan ng pagtatalo ay mabilis na binunot ng suspek ang kanyang baril at pi­na­putukan ang biktima na dead-on-the-spot.

Mabilis na tumakas ang suspek tangay ang ginamit na baril sa krimen.

Isang manhunt opera­tion na ang ini­lunsad ng pulisya laban kay PO2 Eguin. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

FISH PORT COMPLEX

LORDETH BONILLA

NELSON GLORIANNI

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

RANDEL ADORA

ROY EGUIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with