^

Metro

Mini carnival sa Marikina, bawal na

-

Upang hindi na maulit ang trahedya  noong naka­ra­ang Pasko na ikinamatay ng isang 10-anyos na batang babae at ikinasugat pa ng iba pa ay ipinasara na ni Marikina City Mayor Ma. Lourdes Fernando ang lahat ng mini carnivals o peryahan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Fernando, mula pa noong nakaraang araw ay ipinag-utos na niya sa City Engineering Office sa ilalim ni Engr. Alfonso Espiritu ang operasyon sa pagpapasara ng mga per­yahan sa mga barangay ng Parang, Sto. Niño, Sta Elena, Jesus dela Peña at Marikina Heights.

Sa ginawa namang pag-iikot ni Espiritu, natuk­lasan nitong halos walang mga business permit ang mga nasabing mini carnival sa pamahalaang lung­sod, halos lahat ng mga ito ay   mga barangay permit lamang ang hawak, ayon sa City Engineering Office ay lumalabas na iligal.

Bukod dito lumalabas din sa ginawang inspek­syon ni Espiritu na ang mga carnival rides na itinayo sa mga peryahan ay pawang hindi dumaan sa mahigpit na inspeksyon ng kanilang sangay, ang mga rides ay mahalagang mainspek­syon para masigurado ang kaligtasan ng mga suma­sakay dito.

Matatandaang noong Disyembre 25 ng nakara­ang taon ay nasawi ang 10-anyos na biktimang si Katherine Diana Picandal, residente ng Cainta, Rizal matapos na makalas ang isang galamay ng octopus ride dahilan upang tumi­lapon ang mga sakay nito na halos mga bata.

Bukod sa pagkamatay ni Katherine ay malubha ding nasugatan ang may anim pang kabataan ka­bilang ang kapatid ng na­sawi na si Kimberly.  (Edwin Balasa)

ALFONSO ESPIRITU

BUKOD

CITY ENGINEERING OFFICE

CITY MAYOR MA

EDWIN BALASA

ESPIRITU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with