^

Metro

Pandacan oil depot, bantayan – Biazon

-

Matapos ang malagim na pagsabog sa South Wing ng Batasan Complex kung saan nasawi ang tatlo katao ka­bilang na si Rep. Wahab Akbar, iginiit kahapon ni Sen. Rodolfo Biazon ang mahigpit na pagbabantay sa mga maha­halagang lugar sa Metro Manila kabilang na ang oil depot sa Pandacan.

Kung target umano nang pambobomba ang  buong gobyerno ay posibleng puwe­deng maulit ang insidente sa ibang government facility.

Nakiusap din si Biazon na iwasan muna ang mga ispe­ku­lasyon kaugnay sa totoong dahilan nang pambobomba at hayaan na lamang muna ang isinasagawang imbesti­gasyon.

Inamin din nito na kinaba­han siya nang marinig ang balita tungkol sa pagpapa­sabog sa Batasan Complex dahil naroon ang anak niyang si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon.

Sinigurado naman ni Se­nate President Manuel Villar na hindi maapektuhan ng pagsabog ang trabaho ng Senado.

Naging kapuna-puna ang mahigpit na seguridad ka­hapon sa Senado at hindi na pinapayagang makapasok sa Senate ground ang mga pub­lic utility jeep o mas kilala sa tawag na orange jeep. (Malou Escudero)

BATASAN COMPLEX

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

MUNTINLUPA REP

PRESIDENT MANUEL VILLAR

RODOLFO BIAZON

RUFFY BIAZON

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with