^

Metro

Caucasian inatado, todas

-

Isang malalim na imbesti­gasyon ang isinasagawa ng Manila Police District hinggil sa pagka­matay ng isang lalaking Cau­casian na tadtad ng saksak at namatay sa loob ng isang taxi bago pa man makarating sa ospital sa Malate, Maynila ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima sa pa­ma­magitan ng kanyang mga calling cards at ATM  cards na si Gordon Barker, tinatayang 43-46 anyos, blonde ang buhok, ka­tamtaman ang pa­ngangatawan, may taas na 5’10’’, nakasuot ng stripe na polo shirt na may brand na D & G, at Levi’s maong pants.

Sa report ng pulisya, dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa kanto ng Pres. Quirino Avenue sa kanto ng Carolina St., Malate.

Sa salaysay ni Saturnino Molina, 60, may-asawa, taxi driver ng RAL taxi  (TWS 517), nauna muna itong naghatid ng mag-asawang pasahero sa Anito  Lodge nang sa paglabas nito ay pinara siya ng na­sabing biktima at nakiusap na ihatid ito sa ospital. Napansin ng driver na isa itong foreigner at duguan kaya idineretso nito sa Ospital ng Maynila subalit patay na bago pa man nakarating doon.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, tatlong tama ng saksak ang tumagos sa dibdib ng biktima.  Nakuha rin sa biktima ang ilang calling cards at ATM cards na pinagkilanlan sa kanya, necklace at halagang P8,2000 at US$50.

Inaalam ng pulisya kung galing ang biktima sa malapit na motel at kung may kasama ito o sa iba pang malalapit na bar upang maumpisahan ang pagsasagawa ng imbestigas­yon at matukoy ang di nakila­lang suspek. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANITO

CAROLINA ST.

GORDON BARKER

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

QUIRINO AVENUE

SATURNINO MOLINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with