^

Metro

Pekeng bumbero arestado sa panggagantso

-

Arestado  ang isang mi­yem­bro ng “Sigue-Sigue Sputnik Gang” matapos na magpanggap itong bumbero upang manlinlang at maka­kolekta ng salapi sa mga business establish­ments para sa pagpoproseso ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa Pasay  City. Kasong  usurpation of authority, falsifi­cation ng public document at estafa ang isinampa sa sus­pect na si Antonio Roda, 48; at residente ng #2042 Lakan­dula St., Tramo ng nabanggit na lungsod. Dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang arestuhin ang suspect sa loob ng Master Cook of Hongkong Inc., Restaurant na nasa Sea­side Market, Diosdado Maca­pagal Boulevard, Pasay City.

Ayon sa biktimang si Maria Lyn Pascua, 27, accountant, residente ng 5052 Gen. Malvar, South Cembo, Makati City, unang nagtungo ang suspect sa kanilang establi­simiyento at nagpakilala sa pangalang FO2 Noli Pineda ng Bureau of Fire and Pre­vention Unit ng Pasay City.

Pakay umano ng suspect na mag-ins­pection sa natu­rang restaurant na agad na hina­nap ang dokumento para sa fire safety inspection certi­ficate, permit to operate, mayor’s permit at iba pang papeles para sa naturang restaurant.

Nag-boluntaryo rin umano ang suspect na i-proseso ang mga dokumento para sa fire inspection safety certificate  kapalit ang hala­gang P3,000 bilang kabayaran sa pagla­lakad ng mga naturang papeles.

Nagduda na umano ang bik­tima nang kunin nito ang ibang dokumento na wala namang kaugnayan sa pag­kuha ng FSIC kung kaya’t agad na nakipag-ugnayan umano ang una kay SPO4 Artemio Dayangco ng Police Community Precinct (PCP) 1 upang beripikahin ang kata­uhan ng suspect.

Sa ginawang komprontas­yon, napag-alaman mula kay Fire Marshall Junito Maslang, ang nagpakilalalang FO2 Noli Pineda ay iba sa tunay na FO2 Pineda na kanyang tauhan na naging daan para arestuhin ang pekeng bumbero. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTONIO RODA

ARTEMIO DAYANGCO

BUREAU OF FIRE AND PRE

DIOSDADO MACA

FIRE MARSHALL JUNITO MASLANG

NOLI PINEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with