Satellite office ng Manila City Hall, ikakalat
Pinasinayaan ni Manila Mayor Alfredo Lim kahapon ang ikatlong satellite office ng Manila City Hall sa Tayuman, Tondo, Maynila.
Ang pagtatayo ng panibagong city hall ay alinsunod na rin sa unang ipinangako ni Lim sa mga Manileño na mailapit ang kanyang tanggapan sa mga ito.
Layunin ng pamahalaang lungsod na maibigay ang direktang serbisyo sa mga mamamayan ng Maynila at upang mapabilis ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga ito.
Sa ngayon ay mayroon ng dalawang naunang city satellite ang
Habang ang ika-apat na satellite ay itatayo naman ngayong Disyembre, sa RASAC Sports Complex sa panulukan ng
Ang mga nabanggit na tanggapan ay nagbibigay ng mga libreng palibing sa North at South Cemetery, libreng burol, medical assistance program at door-to-door delivery services birth certificates, marriage contracts, death at iba pang mahahalagang dokumento na makukuha sa city hall..
Nais din ng pamahalaang lungsod na maibalik sa mga mamamayan ang mga ibinabayad nilang buwis sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga nasabing serbisyo. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending