Bentahan ng kidney sa bansa bubusisiin

Iginiit  kahapon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na imbestigahan ang ilegal na bentahan ng kidney sa bansa kung saan napaulat din na karamihan sa mga bumibili nito ay mga ban­yaga dahil na rin sa murang halaga nito at bayad sa mga ospital.

Ikinairita din ni Zubiri ang inilabas ng CNN na naglalagay sa Pilipinas bilang isa sa mga bansang tumatangkilik ng bentahan ng kidney gayung matagal na itong ipinagbabawal sa ibang bansa.

Nais din ni Zubiri na idek­larang persona non gra­ta si CNN correspon­dent Hugh Riminton at humihingi din ito ng public apology mula sa mamama­hayag.

Sa nabanggit na pala­bas, inilarawan ang Pili­pinas na legal ang pag­benta ng kidney at tinawag pa itong opisyal na export product ng bansa.

Ikinagalit din ni Dr. Reynaldo Lesaca, head ng Human Organ Prevention Effort (HOPE) ng bansa ang ginawang interbyu sa kanya na ayon na rin sa manggagamot ay hindi inilagay ang kabuuan ng kwento at lumabas na pabor siya sa illegal na gawain.

Lumalabas na aabot sa P135,000 hanggang P1.5-M ang presyo ng Pinoy kid­ney, habang P45,000 naman ang sa India P120,000 naman sa Ro­manian at P450,000 sa Turkish at P1 Milyon na­man kapag Peruvian ang donor.

Ayon kay Zubiri, pana­hon na para imbestigahan ang napaulat na bentahan at kung kinakailangan pang amyendahan ang batas na umiiral hinggil ditto.

Dinagdag pa ni Zubiri, na kapag hindi ito nagawan ng hakbang ay magmi­mistulang bansa tayo na ang mga tao ay may isang bato dahil na rin sa pag­dagsa ng mga banyaga para dito kumuha ng kidney donor.

Show comments