Manhunt sa killer ng Comelec official, ikinasa

Nagpalabas na ang pamunuan ng Manila Po­lice District (MPD) ng car­tographic sketch ng umano’y suspek na pu­maslang kay Commis­sion on Election (Come­lec) Law Department head Atty. Alioden Dalaig.

Sa naturang sketch, inilarawan ang suspek na  nasa edad na  39-41 an­yos, may taas na 5’5’’–5’6’’, maitim, nakasuot ng fatigue pants at itim na jacket.

Pinag-aaralan naman ng MPD ang inilarawan na suspek sa mga hawak nitong larawan ng mga markadong hired-killer.

Sa ngayon ay may­roon nang nakuhang mga witness ang MPD-Homi­cide division na makaka­kilala sa suspek sa oras na madakip ito.

Magugunita na tinam­ba­ngan si Da­laig ng hin­di pa kilalang suspek noong naka­ra­ang Sa­ba­do, Nob­yem­bre 10, habang ito ay nagla­lakad patu­ngo sa Hyatt Hotel. Wala pa ring linaw sa pulisya kung ano ang motibo sa naganap na krimen. (Grace dela Cruz)

Show comments