‘Fixer’ ng grades timbog
Isang sinasabing taga-ayos upang maipasa ang mga grades kapalit ng pera sa isang unibersidad sa
Nakapiit habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban kay Reynaldo Velarde, 59, ng A. De Gula Compound, Bgy. Gen. T. De Leon nabanggit na lungsod.
Sa pahayag ng nagrereklamong itinago sa pangalang “JayAr”, 22, nursing student sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City, hiningan siya ng suspek ng P27,000 dahil bagsak umano siya sa subject na 104 sa kanyang kurso. Ibibigay umano ang pera sa professor ng biktima. Dahil gustong makapasa ay napilitan magbigay si JayAr kapalit ng inaasam na pagpasa sa klase.
Laking pagtataka ng biktima ng kunin nito ang kanyang class card ay bagsak pa rin siya sa nasabing subject. Dahil dito, humingi ng tulong sa pulisya ang biktima kung saan nagsagawa ng entrapment operation ang mga ito at nagkunwari si Jay-Ar na magdadagdag ng bayad sa suspek upang maayos ang kanyang grade.
Nang tanggapin ng suspek ang inaabot na P5,000 ng biktima sa loob ng nasabing unibersidad ay hindi na ito nakapalag pa sa mga umarestong pulis. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending