^

Metro

Money changer nakapuntos sa NBI

-

Pinawalang-bisa ng korte ang ginawang pagsa­lakay ng National Bureau of Investigation sa isang foreign currency trading firm dahil sa paggamit nito ng isang depektibong search warrant.

Kasabay nito, inatasan ng Makati Regional Trial Court (RTC) na isoli ng NBI raiding team sa Perfor­mance Foreign Exchange Corp. (PFEC) ang mga na­samsam na dokumento at computer equipment.

Nabatid na noong na­ka­lipas na tatlong buwan nang salakayin ng NBI ang PFEC na matatagpuan sa mezzanine ng Enterprise Building Tower 2, Ayala cor. Paseo de Roxas Avenues dahil sa reklamo ng isang George D. Palos hinggil sa pandaraya umano sa kanya ng libong dolyar.

Sa kautusan ni Judge Zenaida T. Galapate-La­guilles ng Makati RTC Branch‑143, pinayagan nito ang inihaing petisyon ng PFEC na kumuku­westiyon at nagpawalang-saysay sa nasabing Search Warrant na ginamit ng NBI Anti-Organized Crime Division (AOCD).

Ito’y matapos mabigo ang NBI na patunayan sa korte na ibinatay nila ang pagkuha ng Search Warr­ant sa inihaing reklamo ni Palos, na hindi naman umano isinaad sa reklamo ang elemento ng panloloko o pandaraya. Nilinaw ni Laguilles sa 5-pahinang kautusan, hindi maaring mag-isyu ng Warrant ang korte kung walang pro­bable cause kaugnay sa parti­kular na detalyeng ni­la­bag sa batas, na sinum­paan ng com­plainant at testigo na kaniyang ma­ihaharap na tutukoy sa lugar na ririki­sahin. (Ludy Bermudo)

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

ENTERPRISE BUILDING TOWER

FOREIGN EXCHANGE CORP

GEORGE D

JUDGE ZENAIDA T

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with