^

Metro

150 piraso ng dinamita nasamsam

-

Narekober  ng mga kagawad ng Manila Po­lice District (MPD) ang  150 piraso ng mga dina­mita  at iba pang kagamitang pampasabog  ka­hapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Ang nabanggit na piraso ng dinamita, blasting caps at cable wires ay nakasilid sa kahon at nakalagay lamang sa bangketa sa kahabaan ng Lacson St., malapit sa kanto ng Laong Laan at Dapitan st., Sampaloc Maynila.

Hawak na ng MPD-Explo­sive and Ordance Division (EOD) ang 150 slurry dynamite na may sukat na 25mm x 300mm at 90 meters na commercial time fuse at nakakabit pa ang blasting cap nito.

Sinabi ni  Percival Abegleo, secuirty guard ng Forbes Place Dormitory, nakita umano niya ang isang di-nakilalang babae na nag-iwan ng dalawang kahon sa harapan ng nasabing dor­mitory dakong alas-6 ng umaga.  Agad naman nitong ipinagbigay-alam kay Zenaida Mathias ng Brgy. 740, Sampaloc ang nasabing kahon ng mga pampasabog at mabilis naman nitong ini­report  sa pulisya. 

Sinabi naman ni MPD District Director Roberto Rosales na posibleng may pi­pick-up umano sa nabanggit na kahon kung kaya’t iniwan lamang ito sa nabanggit na lugar. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

DISTRICT DIRECTOR ROBERTO ROSALES

FORBES PLACE DORMITORY

LACSON ST.

LAONG LAAN

MANILA PO

ORDANCE DIVISION

PERCIVAL ABEGLEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with