Inuman niratrat: 3 patay, 4 pa kritikal

Dumanak ang  dugo sa ma­sayang inuman ng isang grupo ng mga kalalakihan makaraang masawi ang tatlo katao, habang apat pa ang nasa kritikal na kon­disyon matapos na pagbabarilin ang mga ito ng tatlong hindi ­mga nakikilalang suspek kama­ka­lawa ng gabi sa lungsod Caloocan.

Dead-on-the-spot ang dala­wang biktima na sina Alfredo Maglasang, 39, construction worker at Delfin Mahorenos, 64, kapwa naninirahan sa Anahaw Street, Amparo Subdivision, Ba­rangay 179 ng nabanggit na lung­sod habang hindi na uma­bot nang buhay sa San Lazaro Hospital ang kapitbahay ng mga ito na si Arnel Orilla, 24.

Patuloy namang inoobser­ba­han sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang apat pang sugatan na sina Alberto Orilla, 20; Ryan Prawn, 23; Reden Prawn, 23; at Eustaquio Prawn, 54, pawang mga kapitbahay ng mga nasawi.

Kasalukuyan namang nag­sasagawa ng masusing imbes­tigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng tatlong suspek na mabilis na nagsitakas sakay ng isang Toyota Revo na walang plaka patungo sa Camarin, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng isa sa mga biktima sa Anahaw St., Amparo Subd., Barangay 179, Caloocan City.

Masaya umanong nag-iinu­man ang lima sa mga biktima nang bigla na lamang magda­tingan ang tatlong suspek na nakasuot ng black jacket, jeans at bull cap, na pawang mga armado ng baril at  walang sabi-sabing pinaulanan ng mga ito ng bala ang   grupo habang si Eus­taquio na nasa loob ng kanyang bahay ay nahagip ng bala at maging ang naglalakad na si Delfin ay nahagip din.

May palagay naman ang mga awtoridad na posibleng pag­hihiganti ang motibo sa na­ganap na pamamaril dahil bago ang insidente ay may nakaaway umano ang grupo ng mga bik­tima na isang grupo ng mga kalalakihan at posibleng iyon ang mga suspek.

Show comments