Balasahan sa MPD,  inutos ni Lim

Matapos na  masang­kot sa anomalya ang mga pulis ng  Manila Police Dis­trict-Station Anti  Illegal Drugs,   inutos ni  Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police stations ng Manila Police District (MPD).

Kahapon ay unang na­sampolan ng pagba­lasa si MPD Station 4 Commander Ernesto Barlam III, na inapruba­han ni MPD Director Chief Supt. Roberto Ro­sales ang pagsibak dito sa puwesto. Pansaman­talang  inilagay sa puwes­to ang deputy station commander na si Chief Insp. Celso Mojares.

Ikinagulat naman ni Supt. Barlam ang kautu­san sa pagsasabing wala naman umano siyang na­ta­tangap na relief order mula sa MPD head­quarters.

Iniutos ni Lim ang pag­balasa partikular sa mga opisyales ng MPD upang malinis  

Si Supt. Barlam ay na­damay sa reklamo sa    kan­yang tauhan na si Chief Inspector Resty Nicandro, hepe ng Sta­tion Anti-Ilegal Drugs Unit na inireklamo ng kasong robbery extortion, plant­ing of evidence at sexual harassment ng dalawang babae.

Nakakulong sa In­tegrated Jail ng MPD si Nicandro habang isinasa­ilalim na ngayon sa sum­mary dismissal proceed­ings. Galit na galit si Lim sa ginawa ni Nicandro na aniya, bantay-salakay at hindi nababagay sa hanay ng kapulisan.

“Kahit isang segundo ay hindi siya (Nicandro) dapat magtagal sa ka­pulisan, isa siyang anay sa PNP,” ani Lim. (Doris Franche)

Show comments