Balasahan sa MPD, inutos ni Lim
Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District-Station Anti Illegal Drugs, inutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police stations ng Manila Police District (MPD).
Kahapon ay unang nasampolan ng pagbalasa si MPD Station 4 Commander Ernesto Barlam III, na inaprubahan ni MPD Director Chief Supt. Roberto Rosales ang pagsibak dito sa puwesto. Pansamantalang inilagay sa puwesto ang deputy station commander na si Chief Insp. Celso Mojares.
Ikinagulat naman ni Supt. Barlam ang kautusan sa pagsasabing wala naman umano siyang natatangap na relief order mula sa MPD headquarters.
Iniutos ni Lim ang pagbalasa partikular sa mga opisyales ng MPD upang malinis
Si Supt. Barlam ay nadamay sa reklamo sa kanyang tauhan na si Chief Inspector Resty Nicandro, hepe ng Station Anti-Ilegal Drugs Unit na inireklamo ng kasong robbery extortion, planting of evidence at sexual harassment ng dalawang babae.
Nakakulong sa Integrated Jail ng MPD si Nicandro habang isinasailalim na ngayon sa summary dismissal proceedings. Galit na galit si Lim sa ginawa ni Nicandro na aniya, bantay-salakay at hindi nababagay sa hanay ng kapulisan.
“Kahit isang segundo ay hindi siya (Nicandro) dapat magtagal sa kapulisan, isa siyang anay sa PNP,” ani Lim. (Doris Franche)
- Latest
- Trending