^

Metro

Parak tugis sa pagbaril sa kabaro

-

Isang pulis na miyembro umano ng sindikato ng droga ang pangunahing suspek ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamamaril sa isa nilang tauhan na binaril sa tapat ng isang paaralan sa North Fairview kamakalawa ng hapon.

Hindi naman agad pinangalanan ni QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, Sr. Supt. Franklin Mabanag ang pinaghihinalaan nilang suspek sa pagbaril kay PO3 Amorlito Rosauro, miyembro ng Special Anti-Illegal Drugs Unit. 

Ito’y upang hindi maalarma at magtago ito habang hinihintay pa nila na makarekober sa tinamong tama ng bala sa mukha si Rosauro bago sila magsagawa ng case build-up  laban sa suspek.

Maaaring nakilala rin naman ni Rosauro ang bumaril sa kanya. Agad na kukunan naman ng pahayag ng pu­lisya ang biktima sa oras na makarekober ito sa kanyang tinamong sugat.

Matatandaan na binaril ng nag-iisang gunman si Rosauro habang sakay ito ng kanyang Toyota Tamaraw FX at  hinihintay ang anak sa paglabas sa tapat ng North Fairview Elementary School. Masuwerteng naka­iwas ng konti ang biktima kaya hindi ito napuruhan ng bala ng kalibre .45 na ipinutok sa kanya ng suspek.

Nakatanggap naman ng impormasyon si Mabanag na may kaugnayan sa operasyon ng iligal na droga sa lungsod ang tangkang pamamaslang. Maaaring may kaugnayan umano ito sa operasyon ni Rosauro at mga hinahawakang kaso laban sa iligal na droga. (Danilo Garcia)

AMORLITO ROSAURO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANILO GARCIA

DRUGS UNIT

ELEMENTARY SCHOOL

FRANKLIN MABANAG

MAAARING

ROSAURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with