^

Metro

Most wanted na rapist timbog

-

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may 20 counts  na kasong rape makaraang matiyempuhan itong nakatambay sa labas ng kanilang bahay at  tatlong taon nang nagtatago sa batas kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Loria Laurea, ng RTC-Branch 169, nadakip ang suspek na si Richard Santiago, 27, ng  Kaingin Street, Barangay Tinajeros ng nabanggit na lungsod  dahil sa kasong 20 counts Statutory Rape.

Dakong alas-11:15 kamakalawa ng gabi nang isagawa ng pulisya ang operasyon makaraang  makatanggap ang mga ito ng impormasyon na lumulutang na ang suspek at madalas tumatambay sa labas ng kanilang  bahay.

Nang puntahan  ng mga awtoridad ang nasabing lugar ay naabutan ng mga ito na nakatambay sa labas ng kanilang bahay ang suspek kaya agad itong dinakip. Nabatid, na nagsimula ang kaso ng suspek noong nakalipas na taong 2002 kung saan ang kanyang stepsister na 12-anyos pa lamang noon na ginawang sex-slave. 

Taong 2004 nang  isyuhan ng warrant of arrest ang suspek matapos itong magtago. Sa himpilan ng pulisya, itinatanggi ng suspek ang akusasyon. 

Subalit hindi ito pinaniwalaan ng mga awtoridad nang madiskubreng sangkot din ang suspek sa iba’t iba pang kaso gaya ng robbery at homicide. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY TINAJEROS

JUDGE LORIA LAUREA

KAINGIN STREET

LORDETH BONILLA

RICHARD SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with