^

Metro

Janitor sa NAIA nagsoli ng napulot na pera

-

Hindi nagpasilaw sa kinang ng salapi ang isang janitor sa Ninoy Aquino International Air­port (NAIA) matapos na isoli nito ang napulot na 600,000 Korean won  habang nag­li­linis sa loob ng isang kadarating na eroplano mula Taipei ka­makalawa ng gabi.  Pinuri ni Manila In­ter­national Airport Authority General Ma­nager Alfonso Cusi ang ginawang kata­patan ng janitor na si Joseph Sta. Ana, aircraft cleaner  ng Excellent Ser­vices Inc. na nakatalaga sa NAIA.

Base sa pahayag ni Sta. Ana, habang naglil­inis siya sa loob ng ACRP-2P461 ng Air Philippines na may biyaheng Taipei-Manila nang mamataan nito ang isang puting en­velope sa seat 2-E kaya agad nitong nilapitan at pinulot. Nang buksan niya ito ay tumambad ang 60 pirasong Korean won na may 10,000 denomi­nations. Dahil dito, hindi naman  sumagi sa isip ng na­sabing janitor na ibulsa ang napulot na pera at agad na ipinagbigay-alam nito sa cabin security-on-duty na si Elizar Gamboa dahil sa wala rin siyang access pass para iturn-over ang pera sa arrival area.

Sa kasalukuyan, wala pang pasahero ang nagki-claim sa naturang na­iwang halaga sa eroplano. (Ellen Fernando)

AIR PHILIPPINES

AIRPORT AUTHORITY GENERAL MA

ALFONSO CUSI

ELIZAR GAMBOA

ELLEN FERNANDO

EXCELLENT SER

JOSEPH STA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with