P10-M ari-arian naabo

Tinatayang aabot sa P10 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang ma­sunog ang pabrika ng plastic na tumagal ng pitong oras kama­ka­lawa ng gabi sa Valen­zuela City

Ayon kay P/Chief Insp. Nacario Agapito, Valenzuela City Fire Marshal, dakong alas-11:10 ng gabi nang mag­simulang kuma­lat ang apoy sa loob ng Fuzon Plastic Company sa #33 Dunesa Street, West Canumay na pag-aari ni William Tan ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni Insp. Enrico Cao, chief Arson Investi­ gator, nagsimula ang apoy sa finish pro­duct department at mabilis na kumalat sa mga nakaimbak na produk­tong plastic. Wala na­mang ini­ulat na na­saktan o na­sawi sa insidente na tuma­gal ng pitong oras bago pa maapula ng mga ta­uhan ng pama­tay-sunog. (Lor­deth Bonilla)

Show comments