P10-M ari-arian naabo
Tinatayang aabot sa P10 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pabrika ng plastic na tumagal ng pitong oras kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City
Ayon kay P/Chief Insp. Nacario Agapito, Valenzuela City Fire Marshal, dakong alas-11:10 ng gabi nang magsimulang kumalat ang apoy sa loob ng Fuzon Plastic Company sa #33 Dunesa Street, West Canumay na pag-aari ni William Tan ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ni Insp. Enrico Cao, chief Arson Investi gator, nagsimula ang apoy sa finish product department at mabilis na kumalat sa mga nakaimbak na produktong plastic. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente na tumagal ng pitong oras bago pa maapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending