Tone-toneladang basura naiwang kalat sa mga sementeryo

Nadoble ang dami ng basurang nagkalat sa Metro Manila matapos mag-iwan ng tone-toneladang mga kalat ang libo-libong katao na dumalaw sa namayapang mahal nila sa buhay sa iba’t ibang sementeryo sa kamaynilaan.

Naitala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos doble na pagdami ng mga basurang kokolektahin ng mga contractor ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang pampublikong sementeryo at pribadong memorial park sa Metro Manila.

Iniutos na ni MMDA Chairman Bayani F. Fernando sa kanilang mga street sweepers na simulan na ang paglilinis sa paligid ng mga pampubliko at pribadong libingan upang hindi na bumara pa sa mga kanal at estero.

Makakatuwang ng MMDA sa paglilinis ang mga street­sweepers ng mga lokal na pamahalaan o Oyster at maging ang mga kawani na nagtatrabaho sa mga pampublikong libingan.

Kahapon ay tone-toneladang basura na ang nailabas at nahakot mula sa Manila North Cemetry at South Cemetery habang nagsimula na ring hakutin ng mga contractors ang mga naipong basura sa iba pang pribadong memorial park. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments