^

Metro

Transport groups bibili na lang ng krudo

-

Nanawagan sa pamaha­laan ang iba’t ibang transport groups sa pangunguna ng IUtak na mapayagan sila na makabili ng krudo mula sa mga dayuhang kumpanya ng langis na kanilang gagamitin sa pamamasada  para ma­kamura.

Sinabi ni Orlando Mar­quez, spokesman ng IUtak, samahan ng hanay ng trans­­portasyon na kinabibila­ngan ng ACTO, FEJODAP, MJODA, ALTODAP, Pasang Masda na maka­katipid sila ng halagang P8.00 hanggang P9.00 kada litro kung sila mismo ay papayagan ng pamahalaan na makadirekta sa international oil company para makabili ng gagamitin nilang krudo para sa mga pampasaherong jeep.

Mayroon na anya silang kinakausap na dayuhang kum­panya ng langis na tu­tulong sa kanila para maisa­gawa ang naturang hakbang.

Sa ganitong paraan anya, higit na maka­katipid ang kanilang hanay sa gastusin at ang anumang pondo na mali­likom sa katipirang ito ay ma­aaring magamit sa ibang pagkaka­gastusan ng kani-kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, ang pag­kakaloob lamang ng P1.00 discount ng ilang piling kum­panya ng langis sa bansa ang tinatamasa ng mga operator ng mga pampasaherong sasakyan sa pagpapakarga ng krudo sa kanilang mga jeep. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

MAYROON

NANAWAGAN

ORLANDO MAR

PASANG MASDA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with