^

Metro

Balik pasahe lang ’di taas pasahe

-

Niliwanag kahapon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na balik pasahe na P7.50 lamang ang sinimulang ipatupad mula Nob­yembre 2 at hindi taas-pasahe gaya ng inaakala ng marami.

Ito ang sinabi ni LTFRB Chairman Thomp­son Lantion nang pormal nang pasimulan kahapon ang pagpapatupad sa P7.50 minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Ayon kay Lantion, hindi na kailangan na magpalabas pa sila ng bagong taripa para dito dahil ibinabalik lamang naman ang pasahe na unang naipatupad noong nakaraang taon.

Disyembre 2006 ginawang P7.00 ang dating P7.50 minimum fare sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney bilang pamaskong handog ng pamahalaan sa riding public.

Wala rin anyang taas-pasahe na maga­ganap sa pagtatapos ng taong ito.

Sa Nobyembre 9 isasalang ng LTFRB board ang pagdinig sa petisyong P1.50 taas sa singil sa pasahe ng transport groups.

Mahabang proseso anya ang kailangan bago maitaas ang pasahe sa mga pampasahe­rong sasakyan kayat ginagarantiya ng ahensya na sa pagtatapos ng taong 2007 ay walang fare increase sa anumang pampasaherong sasakyan sa bansa. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHAIRMAN THOMP

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LANTION

METRO MANILA

PASAHE

SA NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with