Kelot todas sa riding in tandem

Patay ang isang lalaki makaraang barilin nang malapitan ng isa sa dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo kahapon sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Jimmy Angeles, 30,  binata, welder at residente ng Manggahan st.,  Interville Subd., Brgy. San Agustin, Novaliches, ng naturang lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:40 ng umaga sa may Citizen St, sa loob ng naturang subdibisyon. 

Nabatid na nakaupo lamang ang biktima sa nabanggit na lugar nang lapitan ng dalawang suspek at walang sabi sabing pinaputukan ito sa kan­yang ulo.

Hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan ang bik­tima matapos na agad na masawi ito habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng kanilang motorsiklo na hindi naman naplakahan ng mga saksi.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang matukoy kung ano ang naging mo­tibo at kung sino ang mga responsable sa krimen. (Danilo Garcia)

Show comments